Ang mga nanood ng live sa Araneta ay paniguradong nasulit ang kanilang tickets. Umaatikabong aksyon ang ipinamalas ng dalawang koponan na ito na minarkahan pa ng mga career nights para sa iba’t ibang players ng TNT at ng SMB.
Maganda ang bitaw ni Troy Rosario para sa gabing ito kaya naman nakapagtala sya ng 34 points. Bukod sa sya ang madalas na napapasahan ng kanilang import sa loob, nakapukol din sya ng walong three points upang maidikit nya ang kanilang score sa kalaban. Ang masaklap lamang ay hindi nya natapos ang laro dahil nagtamo sya ng anim na fouls.
At kung usapan lang din naman ng mga big night, hindi nagpahuli ang SMB guard na si Terrence Romeo. Naitala ni Bro ang kanyang highest scoring output sa kanyang career bilang isang Beermen sa pag-iskor ng 29 points.
Umulan ng tres sa larong ito. Labingwalo sa SMB habang labing-anim naman sa TNT. Kung pagsasamahin ay mayroon na kaagad na 102 points ang dalawang koponan na nanggaling pa lamang sa three-point line.
Para sa dalawang imports, sa palagay ko ay medyo nag-cancel-out o naging pantay lamang ang kanilang performance sa Game 2. Nandoon ang scoring, rebounding at defense ngunit mayroon din silang fair share of miscues.
Di maikakaila na beteranong team din naman ang TNT, marami na ring pinagdaanan ang koponang ito. Ngunit para sa gabing ito, mukhang umayon para sa Beermen and mga clutch points na nag-matter at nakapag-decide ng kinahinatnan ng laro.
Big shot ni Romeo para maihatid ang SMB sa unang overtime. Crucial ang mga namintis na free throws nina Brian Heruela at Troy Rosario pagkatapos ma-eject ni Terrence Jones na nakapagdulot ng pampatablang layup ni Cabagnot.
At si Chris Ross na syang bumingwit ng ikalawang technical foul ni Jones ang sya ring nakakuha ng steal noong 2nd overtime na nagbunga rin ng dalawang dagdag na puntos para sa SMB dahil sa kanyang fastbreak layup.
We’re in for a treat. Tabla na ang serye. Walang isang koponan ang may malinaw na bentahe sa kanilang kalaban. Nakadepende kung sino ang puputok para sa mga laro at handang magpakitang-gilas sa malaking entablado ng finals. Palakihan na lang ng #PUSO
Pagkatapos ng ganitong sobrang dikit na laban, paniguradong ang dalawang koponan na ito ay parehong gigil nang makapaglaro muli. Nakapapagod ngunit kakaibang karanasan ang makapagbahagi ng iyong talento sa mga ganitong uri ng laban.
__
Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5:
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!
0 Comments